Ilang mga residente at opisyal ng Barangay 157 Zone 16 sa Pasay City, nagpasalamat sa pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho

Nagpasalamat at ikinatuwa ng mga residente ng Brgy. 157 Zone 16 ang Katok-Bahay, Sorpresa Trabaho promo ng DZXL Radyo Trabaho.

Ilan sa mga residente partikular ang mga nawalan ng trabaho ay nagkaroon ng interes o nabuhayan ng loob para muling magkaroon ng hanapbuhay kasabay ng paghihimok sa kanila na magpadala ng kani-kanilang resume.

Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Trabaho Team kay Ginang Matilde Badeo ang treasurer ng Brgy. 157, malaking bagay ang ginawang pagtungo ng DZXL Radyo Trabaho sa kanilang lugar.


Aniya, sa pamamagitan nito ay matutulungan na magkaroon ng trabaho ang mga residente nila na na-endo nitong katatapos na holiday season.

Bukod dito, umaasa ang kanilang barangay na makakatuwang ang DZXL Radyo Trabaho sa mga program at proyekto na kanilang nakalinya ngayong taon.

Facebook Comments