Pinawi ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) ang pangamba ng magsasaka na bababa ang taripa ng imported rice dahil sa pagbili ng NFA sa mga lokal na magsasaka.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, walang kinalaman sa taripa ng imported price sa pagbili ng NFA ng palay mula sa mga magsasaka dahil mayroong mandato ang NFA sa council na bumili ng palay sa lokal na magsasaka.
Ipinagmalaki ng pamunuan ng NFA ang biglaang paglobo ng buffer stocks dahil sa pagtataas ng buying price ng palay na mula ₱23 hanggang ₱30 kada kilo.
Paliwanag ng opisyal tuluy-tuloy ang pamimili ng NFA sa mataas na buying price.
Batay sa record ng NFA ngayong araw, tumaas na sa 3.290 million bags ng 50 kilos ng palay ang kabuuang nabibili ng ahensya o 98% ng aktuwal na target sa 1st half ng 2024.