Pangamba ng publiko hinggil sa influenza-like illness, pinawi ng DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na walang dapat ikabahala o ikatakot ang publiko sa naitatalang kaso ng influenza-like illness.

Ayon kay Dr. Albert Domingo ng DOH, nananatiling mababa ang bilang ng mga kaso ng nasabing sakit nitong mga nagdaang buwan kumpara noong nakaraan taon.

Paliwanag ni Domingo, normal lamang ang naging anunsyo ng Department of Education (DepEd) na suspendihin ang face-to-face classes bilang paraan ng pag-iingat upang hindi magkaroon ng hawaan.

Matatandaan na nag abiso ang DepEd–National Capital Region na suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa pampublikong paaralan sa Metro Manila sa Oktubre 13 hanggang 14, 2025.

Ito’y para bigyang-daan ang disinfection, sanitation, at building inspection matapos ang sunod-sunod na lindol at pagtaas ng kaso ng sakit na may sintomas ng trangkaso.

Kaugnay nito, muling ipinapaala ng DOH sa publiko na patuloy na mag-ingat, panatilihin ang kalinisan, at magpabakuna kontra trangkaso kung kinakailangan para may dagdag-proteksyon sa laban sa sakit.

Facebook Comments