
Nagsama-sama ang humigit-kumulang 100 mananayaw mula sa bayan ng Rosales sa isinagawang libreng dance class kasama si DJ Loonyo nitong Sabado, Oktubre 11.
Kasama rin sa aktibidad ang mga choreographer na sina Mannix Manhattan at Kliff Acosta ng Team Rockwell PH na nakilala sa TikTok noong panahon ng pandemya.
Sa bawat tugtog ng musika, sabay-sabay na sumayaw ang mga kalahok na nagnanais matuto ng mga bagong galaw at estilo sa sayaw.
Bagama’t napaaga ang pagtatapos ng programa matapos maramdaman sa lalawigan ang Intensity II ng lindol na may magnitude 4.5 na tumama sa Zambales, nagpahayag ng pasasalamat ang mga dumalo sa natutunan nilang dance moves mula sa grupo.
Facebook Comments





