Sa kabila ng naitalang avian flu outbreak sa Pampanga, pinawi naman ng Department of Health ang pangamba ng publiko kaugnay sa pagkain ng manok.
Muling inulit ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, na ang susi para matiyak kung ligtas ang kakaining manok ay ang pagluluto dito ng maigi.
Ayon kay Tayag, kagaya ng ibang bacteria, sa oras na mainitan ang karne ng manok ay kusa nang nawawala ang bacteria.
Muli ring inulit ni tayag na sa pampanga lamang naitala ang naturang outbreak kaya’t walang dahilan para magpanic ang mga mamimili.
Gayunpaman, pinagiingat naman ng DOH ang mga nag-aalaga, nagkakatay at nagsasagawa ng pag-aaral sa mga manok sa Pampanga dahil sila aniya ang mayroong mataas na tyansa ng exposure sa virus.
Ayon kay Tayag, sa oras na makaramdam ng trangkaso, ubo at pananakit ng lalamunan ay agad na magpatingin sa doktor, lalo’t libre naman ito para sa apektadong lugar.
Sa kasalukuyan ayon kay Tayag, wala pa namang naitatalang nahawang tao sa naturang bird flu.
Pangamba ng publiko pinawi, pagkain ng manok ligtas pa rin – DOH
Facebook Comments