Inalis ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Benjamin Madrigal ang panganib sa posibleng pang-eespiya ng China sa pamamagitan ng 3rd telco player, na bahaging pag-aari ng China Telecom.
Ayon sa AFP chief, alam ng militar na laging may panganib sa pang-eespiya sa lahat ng pasilidad ng komunikasyon at may mga kaukulang hakbang na isinasagawa ang AFP para kontrahin ito.
Ginawa ni AFP chief ang pahayag matapos lumagda ang AFP sa isang kasunduan na magpapahintulot sa dito telecommunity, na dating Mislatel na maglagay ng celsites sa mga kampo ng militar.
Ang Dito Telecommunity na consortium ng Udenna Corporation, Chelsea Logistics at China telecommunications, ang pinahintulutan ng gobyerno na maging 3rd major telecommunications player sa bansa, na makikipagkumpitensya sa Globe at Smart.
Ayon kay Madrigal, ang kasunduan sa pagpapahintulot sa Mislatel na maglagay ng kanilang celsites sa mga kampo ng militar ay katulad din ng “accommodation” na ibinibigay ng AFP sa Smart at Globe, at hindi naman makakaapekto sa mga operasyon ng AFP.