Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko na maaaring tumaas muli ang kaso ng COVID-19 matapos payagan ng makapasok sa bansa ang mga dayuhang turista at negosyante sa Pilipinas.
Ayon kay acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, kung susunod ang lahat sa umiiral na health at safety protocols ay makakatiyak na hindi tataas muli ang kaso ng COVID-19.
Aniya, ang papasukin lamang na mga dayuhan sa bansa ay fully vaccinated at hindi kasama rito ang mga walang bakuna.
“If everybody complies with the minimum health and safety protocols po natin maging ang mga turista, maging ang mga foreign nationals ay magku-comply, at lahat po tayo ay magku-comply, ay maa-assure po natin na hindi ito magiging sanhi ng spike or surge in COVID ‘no?,” ani Nograles
Giit ni Nograles, para makasigurong may proteksiyon at panlaban sa COVID-19, kinakailangang paigtingin pa ang pagbabakuna dahil marami pa ring mga Pilipino ang unvaccinated.