Mayroong sapat na bilang ng mga graduate sa kursong medisina ang Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod ng pangamba ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) kaugnay sa bilang ng mga nurse at iba pang medical workers na nagbi-bitiw sa kanilang tungkulin upang makapagtrabaho abroad.
Pinangangambahan ng mga ito ang posibilidad na mauwi sa kakulangan ng manpower ang mga ospital sa bansa sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Roque, hindi naman nagbabago ang polisiya ng pamahalaan dahil mayroon pa ring umiiral na deployment cap.
Aniya, mula sa dating 5, 000 ay itinaas lamang ito sa 6, 500.
Giit pa nito, mayroong sapat na bilang ng mga graduates at board passer ang pamahalaan upang punan ang mga mababakanteng pwesto ng mga medical workers na tutungo sa ibang bansa upang makapagtrabaho.