Pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko na puputok ang Mt. Pinatubo matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon noong Lunes.
Ayon sa PHIVOLCS, walang emission ng abo mula sa bulkan at wala rin silang nakitang steaming activity.
Ang napaulat umanong usok na nakita ng mga residente ay alikabok galing sa rockslide nang maganap ang lindol.
Tiniyak din ng PHIVOLCS na bente-kwatro oras ang ginagawa nilang pagbabantay sa lahat ng mga aktibong bulkan sa bansa.
Samantala hiniling ni Bataan Rep. Gerladine Roman sa PHIVOLCS na regular na maglabas ng seismic assessment para maiwasan ang pagkalat ng fake news at hindi ito magdulot ng panic sa publiko.
Iminungkahi rin niya na magkaroon ng earthquake drills at disaster preparedness seminar ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa lalong madaling panahon.