PANGANGAILANGAN? | Kadamay, kinumpirmang may isa silang miyembro na nagsangla ng isang unit ng pabahay

Manila, Philippines – Kinumpirma ng grupong Kadamay na may isa silang miyembro na nagsangla ng isang unit ng bahay na alokasyon ng lokal na pamahalaan na walang nagmamay-ari sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Kadamay Spokesperson Beth Guerrero – nagawa nito ng kanilang ka-miyembro dahil sa personal nitong pangangailangan.

Hindi na pinangalanan ng Kadamay ang nasabing miyembro na kanila na ring pinarusahan.


Facebook Comments