Pinapatiyak ni Senator Sonny Angara sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units (LGUs) na may makakain ang bawat pamilyang apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong luzon dahil sa COVID-19.
Ayon kay angara, dahil sa pagkaparalisa ng transportasyon at trabaho ay may mga pamilya na hindi malaman kung saan kukuna ng pera pambili ng pagkain at gamot.
Dahil dito ay iginiit ni angara sa DSWD at LGU na magkaroon ng mahigpit na koordinasyon para bigyan ng ayuda ang nabanggit na mga kawawang pamilya.
Diin ni Angara, malinaw ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pondo para sa apektadong pamilya pero bakit hanggang ngayon ay marami pa rin ang wala pang natatanggap na tulong mula sa pamahalaan.
Tinukoy ni Angara na maliban sa calamity funds na pwedeng gamitin ng mga lgus, ay mayroon ding PHP1.25 billion sa ilalim ng DSWD quick response fund.
Sabi ni Angara, bukod pa ito sa PHP8.7 billion na nakalaan protective services program sa ilalim ng pambansang budget ngayong taon.