Ilan sa pangunahing problema ng mga residente sa ilang bayan sa Pangasinan ang hindi matapos-tapos na kalbaryo ng mga ito sa malimit na pagbaha.
Kaya naman sa pag-uusap na naganap sa pagitan ng gobernador ng lalawigan Pangasinan, mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at ng Mines and Geosciences Bureau o MGB Region I kung saan pinag-usapan nila ang tungkol sa mga paraan sa pagsasaayos ng coastal areas, partikular na sa mga bayan ng Binmaley at Lingayen.
Ayon sa ipinakita ng MGB na resulta ng Rapid Coastal Vulnerability Mapping sa mga nabanggit na bayan, kaya umaapaw ang ilog sa mga bayang ito ay dahil sa nagkakaroon ng malaking deposito ng lupa sa Pangapisan Norte pababa ng Maniboc.
Kakailanganing umano dito ng palagiang dredging operation upang maiwasan ang pagbaha sa lugar at kaya naman daw ito maipatupad ng provincial government ngunit may mga susundin pa raw umanong mga proseso bago maisagawa ng diretso ang naturang proyekto.
Samantala, nasa pagpupulong rin ang Congressman ng Pangasinan 2nd District kung saan nag-imbita ito ng technical personnel upang makatulong din sa pagkakaroon ng solusyon sa mga lugar na bahain sa naturang distrito. |ifmnews
Facebook Comments