PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN AT KAALAMAN UKOL SA WASTE MANAGEMENT SA BAYAMBANG, PATULOY NA ISINUSULONG SA PAMAMAGITAN NG INFO DRIVE

Patuloy ang pagsulong ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ukol sa pagbibigay ng kaalaman pagdating sa usapin ng pangangalaga sa kapaligiran at pagkakaroon ng responsableng ecological solid waste management ang kanilang komunidad.
Ipinatawag ng ESWMO ang nasa pitongput pitong mga opisyales ng mga barangay sa bayan at dumalo sa seminar ukol sa Republic Act (RA) 9003 o ang tinatawag na “Ecological Solid Waste Management Act of 2000” kung saan ipinaliwanag sa kanila ang mga nakalatag na polisiya, mekanismo, mandato sa mga LGU para makamit ang dalawampu’t limang porsyento ng waste reduction gamit lamang ang pagtatag ng isang integrated solid waste management plan na nakabase sa 3Rs: ang reduce, reuse at recycle.
Binigyan ng diin ang mandatong pag iimplementa na naturang batas sa loob ng mga barangay para sa maayos at epektibong pagsasakatuparan nito.

Kasama sa seminar na ito ang DENR Environmental Monitoring Officer, Supervising Environmental Monitoring Supervisor, local Public Attorney’s Office Chief na nagsilbing mga resource speaker. |ifmnews
Facebook Comments