Pangangampanya ng misis ng ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia para sa isang presidentiables, ini-imbestigahan na ng DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinauwi nila ng Pilipinas si Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto.

Kasabay ito ng ginagawang imbestigasyon ng DFA sa sinasabing pangangampanya ng asawa ni Ambassador Alonto sa Riyadh para sa isang presidential aspirant.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng DFA ang kanilang mga tauhan sa Pilipinas at sa Foreign Service Posts na bawal silang lumahok sa electioneering o sa ano mang partisan political activity.


Ito ay dahil sa labag ito sa Omnibus Election Code, gayundin sa Overseas Voting Act of 2013 at sa COMELEC-CSC Joint Circular No. 001, series of 2016.

Facebook Comments