Hindi kailangang magpatupad ng pagbabawal sa kampanya sa social media para sa 2025 midterm elections.
Ito ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa harap ng banta ng artificial intelligence at mga deep fake na maaaring magamit sa pag-abuso ng mga kandidato sa halalan.
Ayon kay Garcia, dapat higpitan lamang ang regulasyon gaya halimbawa ng mga ginagawa sa traditional media tulad ng radyo at telebisyon.
Nakatakda namang makipagtulungan ang poll body sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan maging sa private sector para magbantay laban sa mga iresponsableng pangangampanya.
Ngayong Miyerkules tatalakayin ng Comelec en banc ang magiging desisyon sa paggamit ng AI sa halalan sa susunod na taon.
Facebook Comments