Pangangasiwa sa MRT, pinatetake over ng isang kongresista sa Department of Transportation

90

Manila, Philippines – Pinate-take over ni PBA Party-List Representative Jericho Nograles sa Department of Transportation (DOTr) ang management ng MRT o Metro Rail Transit.

Sa gitna na rin ng halos araw-araw na aberya sa biyahe ng MRT.

Sinabi ni Nograles na hindi maayos na napapangasiwaan ang MRT at tila nagsisisihan na lamang ang mga kumpanyang may kinalaman sa operasyon nito tulad nang nakatoka sa maintenance ng tren.


Ayon pa kay Nograles, tila pinagtatanggol at kinakampihan pa ng MRT officials ang contractor nitong Busan Universal Rail Incorporated at Dalian Locomotive, Chinese supplier ng bagong MRT coaches.

Naniniwala si Nograles na kayang pangunahan ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez ang operasyon ng MRT.

Facebook Comments