Usapin tungkol sa family planning, binuksan ng Pangulo sa isinagawang cabinet meeting

286

Manila, Philippines – Binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang cabinet meeting ang usapin ng family planning.

Ito’y dahil sa nais ng Pangulo na matutukan ang problema ng bansa hinggil sa lumalaking bilang ng populasyon.


Ayon mismo sa Pangulo, kinakailangang matalakay ang usapin lalo’t hindi na akma ang populasyon sa kinikita ng bansa para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Batay sa tala, pumapalo na sa isandaan at tatlong milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong taon o mahigit dalawang milyon ang itinaas mula sa datos noong 2015.

Facebook Comments