Pangangasiwa sa sistema ng kuryente sa bansa, dapat ibigay sa gobyerno ayon sa DOE

Dapat na itake-over na ng gobyerno ang pangangasiwa ng sistema ng kuryente sa bansa mula sa mga pribadong sektor sa pangunguna ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa pagdinig ng Senado ngayong araw dahil sa naranasang rotational brownout sa Luzon, inihain ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang panukala matapos ang naranasang tatlong araw na magkakasunod na Red at Yellow Alerts sa Luzon.

Dapat namang makipagtulungan ang NGCP sa panukala at tuparin ang obligasyon nito na mapabuti ang lagay ng kuryente sa bansa.


Sa ngayon, giit ni Cusi hindi matatawag na power crisis ang nangyaring rotational brownout sa Luzon dahil paliwanag nito, ang pagpalya ng mga planta ang pangunahing dahilan gayundin ang hindi pagsunod ng NGCP.

Facebook Comments