Pangarap na negosyo, naisakatuparan ng isang mommy matapos na maging inspirasyon ang anak

Mula sa dating pangarap noong bata pa, naisakatuparan na ngayon ng mommy na si Erma Joy Fallosco ang pagkakaroon ng negosyo.

Sa segment na Business as Usual ng Usapang Trabaho program ng DZXL– RMN Manila, ikinukwento ni Mommy Erma na naging ispirasyon niya ang panganay na anak na si Vernice upang ipursige na itayo ang “Vernice’s Sweet Thoughts”.

Kwento ni Erma, mahilig sa mga cake at sweets ang kanyang anak kaya itinuloy ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bakeshop.


Mula sa pagre-referrer ng mga kaibigan, nagtuloy-tuloy ang negosyo ni Erma kung saan ngayon taon ay plano na niyang palakihin pa ito.

Facebook Comments