Pangasinan COMELEC mas bilib sa automated election

Lingayen Pangasinan – Dahil sa mga aberya umanong nangyari noong nakaraang midterm automated election may panawagan sa mababang kapulungan na bumalik sa manual o kaya naman hybrid na ang ibig sabihin ay manual voting at automated transmission of votes ang gawin sa mga susunod na eleksyon sa bansa.

Matatandaang umani ng batikos ang Commission on Elections dahil narin sa kapalpakan ng mga ginamit na machines mula sa supplier na Smartmatic. Nariyan din ang mga paratang na dagdag bawas sa boto at overpricing sa ilang election paraphernalia na pinabulaanan ng komisyon.

Ayon naman sa Comelec Pangasinan satisfied sila sa kinalabasan ng midterm automated election ngayong taon at mismong Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang nagsabing walang irregularities noong nakaraang eleksyon.


Noong tanungin naman ng programang i-Gising Na si Atty. Ericson Oganiza hingil sa panukalang wag gawing 100% automated ang mga succeeding elections ng bansa, narito ang kanyang naging pahayag.

Ayon kay Oganiza suportado nito ang automated election gayundin ang mga kasamahan nito at maging ang mga guro na nagsilbing board of election inspectors noong nakaraang halalan. Dagdag pa nito na alam naman nya na ang mga nasa likod ng pagsusulong ng hybrid na klase ng eleksyon ay may kanya-kanyang hidden agenda.

Photo by Philippine Information Agency Pangasinan

Facebook Comments