Hindi parin masasabing ASF Free ang lalawigan ng Pangasinan kahit sa kabila ng isang taon na ang lumipas na walang naitalang bagong outbreak, yan ang iginiit ng Provincial Veterinary Office.
Sinabi ni Provincial Veterinarian Dr. Jovito Tabarejos, na hindi pa tiyak kung wala na ang presensya ng virus sa lalawigan dahil sa ngayon aniya ay hindi pa nasusuri ang lahat ng pig pens sa Pangasinan.
Dagdag pa nito na mahalagang malaman kung mayroon pa ang virus ang naiwan sa mga kulungan ng mga bagong sa kabila ng isinasagawang puspusang paglilinis dito.
Kung matiyak umano na negatibo na sa ASF virus ang mga pig pens ay maaari ng payagan ang pag aalaga ng alagang baboy ang mga hog raisers upang makapagparami ng kanilang alaga.
Ayon pa sa OPVET na kabilang sa mga proseso ng repopulation ay ang massive disinfection at ang paglalagay ng sentinel hogs o mga trial hogs.