Umabot sa 117,603 na active household beneficiaries ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps ang naitala sa Pangasinan na may pinakamataas sa buong Region1 na nakakatanggap ng cash grants ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 1.
Ayon Jaesem Gaces, Pantawid Pamilya Information Officer, nasa San Carlos City ang may pinakamaraming beneficiaries na nasa 7, 625.
Ito umano ay hindi dahil sa madami ang mahihirap kundi dahil sa malaking populasyon ng lalawigan.
Dagdag ni Gaces, na may mga natanggal sa kanilang listahan dahil na din sa hindi pagsunod sa alituntunin gaya na lamang ng pagsusugal, pagsasanla ng mga ATM cards at iba.
Nasa 24, 331 na mula sa bayan ng Bayambang, Malasiqui, at Mangatarem ang tuluyang naalis sa programa.