Nagsagawa ng dalawang araw na Municipal Organic Agriculture roadmap workshop sa Pangasinan ang Department of Agriculture – Regional Field Office I, sa pamamagitan ng Organic Agriculture Program, na ginanap sa Purok Marcela Resort, Lingayen, Pangasinan.
Ang mga Certified Organic Practitioners ng Participatory Guarantee System (PGS) Pangasinan Philippines Inc., gayundin ang Organic Agriculture Focal Persons bawat LGU, OPAg Pangasinan, Pangasinan Municipal at City Agriculturists, at mga magsasaka, ay nagtipon sa workshop na ito upang bumuo ng isang strategic plan para sa susunod na 2-3 taon.
Nagkaroon ng mga discussions sa mga activity rationale pati na rin ang roadmap template kung saan nagkaroon ng cluster ang mga participants base sa produktong kanilang mapu-produce.
Sa ikalawang araw ng aktibidad, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang mga binalangkas na business plans para sa bawat organic commodity tulad ng bigas, mais, munggo, mani, Pinakbet na gulay, manok, herbs, sibuyas at bawang, para sa feedback, mungkahi at rekomendasyon.
Ang pagkumpleto ng roadmap para sa Organic Agriculture para sa Region I ay magbibigay-daan sa kanila na magkaroon ng isang malinaw na estratehikong plano na susundin hinggil sa organikong pagsasaka upang makamit ang kanilang mga layunin at layunin ng pagtaas ng ani, pagbutihin ang produktibidad ng sakahan at seguridad sa pagkain sa mga susunod na taon. |ifmnews
Facebook Comments