Pangasinan nag-hahanda na sa posibleng pagdaan ni Ambo sa lalawigan

Lingayen, Pangasinan – Nagsimula ng mag-abiso ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga Local Disaster Risk Reduction Management Council ng 44 na bayan at siyudad dito sa lalawigan sa posibleng pagdaan ni bagyong Ambo.

Sa inilabas na PDRRMC Memorandum No. 2020-01, inaabisuhan ang mga Local Disaster Risk Reduction Management Council ng bawat lugar na simulan na ang kanilang assessment ang kani-kanilang emergency response preparedness. Dapat din umanong ma-obserbahan ang minimum health standard sa mga evacuation centers gaya ng disinfection, social distancing, pagsusuot ng face mask at ang proper hygiene.

Nakasaad din dito na dapat mayroon ng alternative na evacuation center location, lalo na sa mga bayan na ginawang quarantine facility ang kanilang mga evacuation center. Kailangan ding ma-isolate ang mga evacuees na nakakaranas ng pag-ubo, sipon, lagnat,nahihirapan sa paghinga at mayrooog sore throat. Kabilang din sa abiso ng PDRRMC ang preemptive evacuation ng mga pamilyamg nasa low lying areas at ang mahigpit na pagpapatupad ng no swimming policy alinsunod sa quarantine protocol ng IATF.


Facebook Comments