Kamikazee front-man Jay Contreras at asawa nitong Sarah Abad hiwalay na nga ba?

Naging palaisipan sa ialng fans at netizens ang naging sagot ng asawa ni Kamikazee front-man, Jay Contreras sa Instagram post nito. Ang asawa kasi nitong si Sarah Abad na isang dating child actress ay may cryptic message sa greeting post ng OPM rock singer na Happy Mother’s Day.

Imbes mag-pasalamat ay nag-post ito ng mensahe na, “It may not be the same between us, but I’ll be forever grateful for giving me 2 wonderful angels. Thank you.”

Lumakas tuloy ang espikulasyon na may something wrong sa samahan ng dalawa. Sa ngayon, wala pang pahayag si Jay at Sara kung sila ba ay may pinagdaraanan lang o hiwalay na. Patuloy naman ang mga fans sa mga hugot post gamit ang #maydulopalaanglangit mula sa kantang huling sayaw.


Facebook Comments