PANGASINAN NAKAPAGTALA NG IISANG AKTIBONG KASO NG COVID-19;36 NA BAYAN COVID-19 FREE NA

Iisang kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa bilang ng mga positibong kaso ng sakit sa Pangasinan.
Ito ay base sa inilabas na datos ng Provincial Health Office.
Dahil dito, nasa 18 ang kasalukuyang aktibong kaso ng probinsiya na mula sa sampung bayan.
Kabilang sa mga bayan na nasa PHO Watchlist ay Calasiao, Bugallon, Sta. Barbara, Sta.Maria, Balungao, Bautista, Bayambang, Bolinao, Lingayen, Rosales at Umingan na mayroong single digit cases.

Samantala, nasa 36 na bayan ang covid-19 free na ngayon na naging posible dahil sa mataas na bilang ng nababakunahan kontra COVID-19.
Sa huling datos ng DOH Region 1 ang Pangasinan ay mayroon ng 1, 787, 395 na fully vaccinated individuals o katumbas ng 74. 89% target na mabakunahan. | ifmnews
Facebook Comments