Dalawang guest ng isang resort sa Boracay natagpuang patay sa loob ng kanilang kwarto

Boracay – Wala ng buhay ng matagpuan sa loob ng kanilang kwarto ang dalawang guest ng isang resort sa isla ng Boracay kahapon ng umaga.
Base sa inisyal na report ng Malay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa management ng resort sa Brgy. Balabag na merong nakitang patay sa isang kwarto doon.
Kinilala ang dalawa na sina Dennis Yu, 44 anyos, residente ng St. John Street, Marvi Hills Subd., San Mateo Rizal at Maria Cecilia Jelleicode, 44 anyos, isang Australian national at kasalukuyang naninirahan sa Metro Manila.
Napag-alaman na nagbakasyon ang dalawa sa isla at nagcheck-in sa room 390.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Malay PNP sa pagkamatay ng dalawa at kung ano ang motibo dito.
Isinailalim na rin sa antigen test ang bangkay ng dalawa.

Facebook Comments