Nananatili pa rin ang Lalawigan ng Pangasinan sa Alert Level 1 quarantine classification ito ay base sa Provincial Inter-Agency Task Force.
Ayon sa isinagawang question hour sa Sangguniang Panlalawigan session sa Kapitolyo, sinabi ni PDRRMO at Provincial IATF Head Col. Rhodyn Oro, base sa pinakahuling IATF resolution noong Enero 15, taong kasalukuyan, ang lalawigan ng Pangasinan ay nananatili sa quarantine status nito na Alert Level 1.
Ayon sa ilalim ng resolusyon, epektibo ang status na ito simula January 16 hanggang ika-31 ng Enero.
Ang naturang klasipikasyon dahil umano sa mga sunod-sunod na pagkakatala ng lalawigan ng mababang kaso ng COVID-19.
Ayon pa kay Col. Oro, sinusunod pa rin umano ng provincial IATF ang inilabas ng Malacanan na executive order 3, dated September 12, 2022 na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng mga face mask sa mga open spaces, non-crowded area na mayroong magandang bentilasyon.
Dagdag pa nito, ay kailangan pa rin sundin ang mga protocols gaya ng pagsusuot ng face mask sakaling hindi nasunod o napanatili ang social distancing sa panloob, pribado o pampublikong mga establisyimento, kabilang ang sa pampublikong transportasyon sa land, himpapawid o sa dagat at sa mga panlabas na lugar.
Samantala, idinagdag naman ng opisyal na upang katulong pa rin sa pamahalaan at sa publiko ay kailangan pa ring tandaan ang mga protocols para hindi na magkaroon pa ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kasong naitala sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments