Dagupan City – Dakong 6:25 ng miyerkules ng gabi tumama ang magnitude 5.5 na lindol na ang sentro ay 6 na kilometro southeast ng Aguilar Pangasinan. Ayon sa Phivolcs ang nasabing lindol ay tectonic at may lalim na 137 kilometro na naramdaman sa kalakhang lalawigan ng Pangasinan at karatig probinsya.
Nasa intensity 5 ang naramdaman sa bayan ng Villasis, intensity 4 sa lungsod ng Baguio, intensity 3 sa Olongapo at Dagupan City, intensity 2 sa ilang bahagi ng Zambales, Bulacan, Pampanga, NCR, at intensity 1 sa ilang bahagi din ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Paggalaw ng mga ilaw at ila pang mga gamit ang naranasan ng ilang residente sa mga nasabing lugar at wala namag nabalitang malaking pinsala o nasaktan. Ayon naman sa pamunuan ng Phivolcs asahan ang maaaring aftershocks kaya ibayong pag-iingat ang paaalala ng mga ito sa mga residente. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa asya na sakot ng pacific ring of fire na siyang dahilan kung bakit nakakaranas tayo ng lindol.
Ulat ni Jasmine Buenafe, UL Mass Communication Strudent
[image: 51454206_380912896034863_9003750134009298944_n.jpg]