PANGASINAN PDRRMO, NAGBIGAY PAALALA UKOL SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS NGAYONG TAG-ULAN

Naglabas sa kanilang facebook page ang Pangasinan PDRRMO ng paalala at kaalaman ukol sa sakit na leptospirosis na maaaring makuha ngayong panahon ng tag-ulan.
Ngayong malamig ang panahon at tuloy nanaman ang buhos ng ulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, uso nanaman ang mga sakit na maaaring makuha mula rito at isa na diyan ang leptospirosis.
Ibayong pag-iingat sa tuwing lulusong sa tubig baha ang kanilang paalala lalo na kung may mga sugat sa paa dahil madalas na sa mga tubig baha humahalo ang mga ihi ng daga kung saan nakukuha ang bacteria malaki ang posibilidad na makapasok ito sa mga sugat na nakabukas.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), ang sakit na Leptospirosis ay isang bacterial disease na nakakaapekto sa mga tao at hayop dahil sa sanhi ng bacteria ng Genus Leptospira.
Ang ilang sintomas ng sakit na ito ay pagkakaroon ng mataas na lagnat, pananakit ng kalamnan, pagsusuka, pagdudumi at rashes. |ifmnews
Facebook Comments