Nananatiling naka red alert status ang hanay ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kasabay ito ng pagtatapos ng long weekend kahapon.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PDRRMO Operations Head Vincent Chiu, hindi pa nagbababa ng kanilang alert status ang Office of the Civil Defense kung kaya’t maging sila aniya ay red alert status pa rin.
Puro near drowning incident aniya ang napaulat sa kanilang mga insidente nitong nakalipas na Semana Santa habang patuloy pa din ang kanilang pakikipag ugnayan sa ibang mga PDRRMO sa buong Pangasinan.
Bagamat may mga naitala aniya na mga insidente ng pagkalunod sa ibat ibat panig ng probinsya, hindi aniya saklaw ito ng PDRRMO lalo pa at pribado ang mga ito gaya ng mga resorts na may mga private swimming pool.
Nagpaalala naman ito sa mga Pangasinense at mga bisita ng ibayong disiplina matapos na may mga nakitang mga nagkalat na basura sa ilang mga lugar na iniwan ng mga nag outing pagkatapos ng kasiyahan. |ifmnews
Facebook Comments