BUONG HANAY NG BFP SA BAYAN NG POZURRUBIO, SINIBAK KASUNOD NG SUNOG NA IKINAMATAY NG LIMANG MAG ANAK

Sinibak ang buong hanay ng BFP sa bayan ng Pozorrubio kaugnay sa naganap na sunog doon na ikinamatay ng limang mag anak.
Kinumpirma mismo sa IFM Dagupan ng bagong talagang Provincial Fire Marshal na si Fire Chief Inspector Ronaldo Perez ang naging desisyon kaugnay dito.
Ito aniya ay upang hindi makaapekto sa ginagawang imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente.

Ilan sa mga lumalabas na alegasyon ang sinasabing walang Tubig ang firetruck nila ng maganap ang sunog dahilan para maunahan pa sila ng mga BFP ng kalapit na mga bayan kahit na ilang kilometro lang ang layo nito sa nasabing sunog.
Isa din dito ang sinasabing nag iinuman di umano ang mga personnel ng BFP Pozorrubio ng maganap ang sunog.
Sa ngayon ay kasalukuyan ang ginagawang imbestigasyon pa ng BFP provincial office kaugnay sa nasabing insidente. |ifmnews
Facebook Comments