Tiniyak ng Pangasinan PNP na walang mga Private Armed Groups sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan Kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, matagal na umanong walang reported na presensiya ng mga PAGs sa lalawigan.
Magkagayunpaman ay patuloy aniya ang ginagawang surveillance at intelligence monitoring ng PNP kaugnay dito sa pamamagitan ng mga Oplan Sita at iba pa.
Handa na din aniya sila sa nalalapit na Barangay at SK Elections kung saan ay patuloy ang ugnayan ng PNP sa COMELEC upang matiyak na walang karahasang magaganap sa halalang pambarangay.
Matatandaan na sa inilabas na datos ng pambansang kapulisan ay nasa 48 na mga Private Armed Groups ang binabantayan sa buong Pilipinas kaugnay sa nalalapit na Barangay Elections. |ifmnews
Facebook Comments