PANGASINAN PRIDE CDT. ENRICO REYES, TOP 7 SA 41ST COMMENCEMENT EXERCISES NG PNPA MANDAYUG CLASS OF 2020

Hustisya, integridad at serbisyo, ito ay ilan lamang sa mga nagpatibay at naging puhunan ng mga mag-aaral ng Philippine National Police Academy Mandayug Class of 2020. Matapos ang 1,483 na araw ng pag-eensayo ay sa wakas ay nagbunga din ang pag-hihirap ng mga ito.

Isa si Cdt. Enrico Reyes na tubong San Carlos City, Pangasinan sa mga natatanging tatanggap ng parangal matapos masungkit ang ika pitong pwesto mula sa 277 mag-aaral ng Philippine National Police Academy Mandayug Class of 2020 na nagtapos nitong May 22. Nasa 83 dito ay handang maglingkod sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), 202 naman ay sa Philippine National Police, 59 sa Bureau of Fire Protection at 16 naman ay sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Pinatunayan ni Cdt. Reyes na walang imposible sa pagkamit ng anong bagay na naisin mo kung may pagpupursige. Sa katunayan nagbigay pa ng payo si Cdt. Reyes sa lahat ng mga nag-babalak o nangangarap na maging katulad niya. Aniya, kailangang maging determinado sa kahit na anong tatahaking landas at magkaroon ng proper mindset, dagdag pa nito “Hindi madali ngunit, hindi imposible”.


Facebook Comments