PANGASINAN PROVINCIAL GOVERNMENT, IGINIIT NA KAILANGANG BALANSEHIN ANG LAHAT BAGO IPATUPAD ANG MAS MALUWAG NA ALERT LEVEL SYSTEM

Hindi umano basta-basta ang gagawing pagpapababa ng Alert Level System sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa quarantine restrictions and classifications nito.

Sinabi ni Pangasinan Gov. Amado Espino III, sinusubukan umano ng Pamahalaang Panlalawigan na gawing normal ang pamumuhay at galaw dito sa lalawigan pero hindi pa umano maaari.

May mga guidelines umano na pwedeng ipatupad sa Pangasinan ngunit malaki pa rin umanong porsyento nito ay ibabase sa National Government guidelines.


Bagama’t ang Pangasinan ay nasa alert level 2 at bawat level ay mayroong kalakip na kailangang sundin at ipatupad.

Tinitignan pa rin umano nilang mabuti ang sitwasyon ng lalawigan na kailangang balansehin ang lahat bago magpatupad ng maluwag o anumang guidelines.

Samantala, ikinatuwa rin ng Pamahalaan Panlalawigan ang patuloy na pagtanggap ng publiko sa ginagawang pagbabakuna upang malabanan ang pandemya na patunay na lamang umano ang pagkakatala ng mataas na bilang ng nabakunahan sa isinagawang tatlong araw na nationwide vaccination.

Sa huli, nakiusap ito sa publiko na patuloy na sundin ang umiiral na health protocols kahit pa bakunado na. | ifmnews

Facebook Comments