PANGASINAN PROVINCIAL GOVERNMENT , IGINIIT NA WALANG KINALAMAN SA KUMAKALAT NA “AYUDA PROGRAM FORMS”

Pinabulaanan ngayon ng Provincial Government ng Pangasinan ang may isa umanong kumakalat na balita ukol sa pamamahagi ng ayuda.
Batay dito ay nakarating sa atensyon ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at binerepeka ng Provincial Coordinator ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Regional Office I, na may mga indibidwal umano na namamahagi ng mga forms na may logo ng “I Love Pangasinan Team”, at nanghihingi ng mga pangalan at iba pang personal na detalye ng mga miyembro ng sambahayan upang maging kwalipikado bilang mga tatanggap ng diumano’y “Ayuda Program” mula lalawigan.
Inabisuhan ng Provincial Government ang publiko na walang naturang programa at hindi sa anumang paraan ukol sa nasabing aktibidad.

Maging ang pamunuan ng DSWD Regional Office I na hindi rin sila sangkot o konektado sa naturang programa.
Alinsunod dito, ang lahat ng Local Chief Executives at ang kani-kanilang Municipal/City Social Welfare and Development Officers ay pinapayuhan na maging alerto sa mga indibidwal na ito at sa kahina-hinalang aktibidad.
Ipinayo pa sa mga ito ang pagpapakalat ng impormasyong ito sa lahat ng kinauukulan upang mapangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan. | ifmnews
Facebook Comments