LOLO PATAY MATAPOS MALUNOD DAHIL UMANO SA KALASINGAN SA BAYAN NG BALUNGAO

Bangkay na ng matagpuang palutang-lutang sa isang irrigation canal ang isang sesentay otso anyos na lolo matapos itong malunod sa bayan Balungao.
Ang biktima ay nakilalang si Juanito Mercado, residente ng Brgy San Raymundo sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pnp lasing ang biktima ng iwan ang kanilang bahay subalit hindi na ito nakauwi pa.
Sa paghahanap ng mga kamag anak nito ay nakita na itong wala ng buhay sa bahagi ng isang irrigation canal na matatagpuan din sa kanilang lugar.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, madalas itong umiinum at nag-iikot sa kanilang lugar tuwing lasing.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pnp sa insidente. | ifmnews
Facebook Comments