Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., pinayagang makabyahe sa Amerika

Manila, Philippines – Pinayaganng Sandiganbayan si Pangasinan Rep. Amado Espino Jr. na makaalis ng bansa paramagtungo sa Amerika.
 
Sa resolusyon ng 6thdivision ng anti-graft court, pinapayagan si Espino na makalabas ng bansa mula April9 hanggang may 1, 2017, para makadalo sa ilang events ng Pangasinan Associationssa U.S.
 
Sa naunang motion totravel ni Espino, binanggit nito na naimbitahan siya ng Association of Pangasinensesin America Foundation Inc. o APAFI sa New Jersey, at Pangasinan Brotherhood USAo PB-USA sa California.
 
Maliban dito, sinabi ni Espinona ipapa-check-up niya ang kanyang chronic obstructive pulmonary disease.
 
Si Espino ay nahaharapsa kasong graft kaugnay sa umano’y maanomalyang black sand mining sa lingayenguld noong siya ay gobernador pa ng pangasinan.
 
Matatandaan nasinuspinde ng korte si Espino bilang kongresista sa loob ng siyamnapung araw,dahil sa naturang kaso.
 

Facebook Comments