Senador Antonio Trillanes, itinangging sinuhulan ang isang negosyanteng para tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte

54

Manila, Philippines – Itinanggini Senador Antonio Trillanes IV na sinuhulan nila ang negosyanteng si GuillerminaBarrido Arcillas para tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ayon kay Trillanes,hindi nila sinuhulan si arcillas para mag-imbento ng istorya.
 
Sa katunayan aniya, si Arcillasang kusang nagbigay ng mga impormasyon tungkol kay Duterte noong Nobyembre saisang pulong pero hindi aniya ito pumasa sa kanilang “screening process”bilang testigo.
 
Sinabi pa ng Senador namay reputasyon umano si Arcillas na nanghihingi ng pera sa iba’t ibang grupo.
 
Bukod sa kaniyangtanggapan, naghanap din ito ng koneksyon sa tanggapan ni Senador Leila De Lima.
 
Hinala ni Trillanes,bahagi si Arcillas ng “propaganda game” ng kampo ni Duterte.
 
 
 

Facebook Comments