Higit tatlong milyon na residente ng Region 1 ang natapos sa pagpaparehistro sa Step 2 Registration ng Philippine Identification System o PhilSys kaugnay sa programa na national ID sa bansa.
Sinabi ni Jim Ian Bautista, information officer ng Philippine Statistics Authority-Region 1, na sa panahon ng December 31, 2021, may kabuuang 3,447,278 registrants sa Ilocos Region ang tapos na sa Step 2 registrations.
Kasama sa step 2 registration ay ang pagberipika sa demographic information at pagkuha sa biometric data ng isang indibidwal, tulad na lamang ng fingerprints, iris scans, at front-facing photographs.
Kaugnay naman nito, nag iisa ang lalawigan ng Pangasinan na nakapagtala ng million mark kaugnay sa pagpaparehistro ng nga residente sa national ID.
Ang Pangasinan ay nakapagtala ng 2,191,014 na successful registered.
Sa kabilang banda, ang probinsiya ng La Union ay nakapagtala ng 529,730 registrants, sinusundan ng Ilocos Sur na may bilang na 462,066 at ang huli ay ang probinsiya ng Ilocos Norte na may naitalang 264,468.
Sinabi pa ni Bautista na sa pamamagitan ng PhilSys, ang PSA ay naglalayong makapagbigay sa mga registrants ng mas madaling access gaya ng lamang sa social protection, health, education, at iba pang government services. | ifmnews