Alyansa ng LAKAS at PDP-Laban, niluluto na

118

Welcome kay LAKAS-CMD co-chairman Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ang pag-adopt ng PDP-Laban Cusi wing kay Mayor Sara Duterte bilang pambato sa pagka-ikalawang pangulo sa 2022 elections.

Bunsod nito ay isinasapinal na ng LAKAS at PDP-Laban ang terms of their alliance para sa 2022 Elections.

Kaugnay nito ay nagpasalamat si Revilla kay Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin kay PDP-Laban President Alfonso Cusi at Senator Bong Go para sa pagsasakatuparan ng nabanggit na alyansa.


Diin ni Revilla, ang pagsasanib ng dalawang nangungunang partido politikal sa bansa ay titiyak sa mas mahusay at maayos na kinabukasan para sa bansa at ating mga kababayan.

Facebook Comments