Pangasinense kinagiliwan ng netizen matapos gumamit ng korean accent

Kinagigiliwan ngayon sa social Media ang isang Pangasinense matapos magviral ang video nito na nagsasalita ng Pangasinan gamit ang korean accent.

Siya si Jonalyn Garcia ng Brgy. Salomague Sur, isang online teacher at HR Manager na nagbigay ng good vibes sa mga Pangasinense dahil sa kaniyang Pangasinan 101 – Basic Korean Accent.

Sa video nito,marami sa mga netizen ang nakarelate sa eksena ng nanay at anak na kagigising lamang at naghahanap na agad ng makakain.


Ganitong ganito umano ang eksena nila sa bahay ng kaniyang kapatid at ina na kaniyang naging dahilan sa pag gawa ng viral video.

Marami ng nagawang kalokohang video si Garcia ngunit ito lamang ang kauna unahang gumamit ito ng Pangasinan.

Hilig talaga nito ang panonood ng Korean drama kung kaya’t nakuha na niya ang tono ng mga nag ha-hangul.

Umani na sa ngayon ng 429 views, 12k reactions at 18k shares ang video ni Garcia.
Para sa kaniya, malaking achivement na mayroon itong napapasayang tao.
###

Facebook Comments