Pangasinense na nagpunta ng Singapore na naka school uniform, viral sa social media

5769

“SANA ALL”
Ito ang komento ng ilang netizen matapos magviral ang larawan ng isang Estudyanteng Pangasinense na nagpunta ng Singapore na naka school uniform.

Makikita sa isang larawan ang 19 years old na Engineering student na tubong Lingayen, Pangasinan na si Carissa Tuazon na nakasuot ng kaniyang school uniform habang nakatayo at makikita sa kanyang likuran ang sikat na Merlion sa Singapore at may caption na “Saan aabot ang Vacant mo?”.


Sa panayam ng IFM Dagupan kay Carissa, kakatapos lang umano ng kanyang exam kaya nakauniform siyang nagbiyahe papuntang Singapore kasama ng kanyang pamilya.

Dagdag pa niya na mahilig magtravel ang kaniyang pamilya na isa sa kanilang bonding.
Nalibot na din umano nila ang ilang tourist destination sa Pilipinas tulad ng Cebu, Albay, Boracay, Abra, Cagayan at Apayao.

Ang Singapore trip ng kanilang pamilya ay first out of the country na planong madagdagan muli ito.

Sa ngayon mayroon na itong 484 shares. Isa si Tuazon sa nagpapatunay ng kasabihang “Study Now, Enjoy Later.”

Facebook Comments

From Advertisers