Director ng RTC 02, Sugatan sa Aksidente!

3261

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang direktor ng Regional Training Center (RTC) 02 na naka base sa Lungsod ng Cauayan matapos na mabangga ang minamaneho nitong sasakyan pasado alas 5:00 kaninang umaga sa kahabaan ng pambansang lansangan ng Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, ang biktima na si PLT Col Leo Pamittan, 45 anyos, Regional Training Director, residente ng Cataggaman, Pardo, Tuguegarao City ay patungo sana sa kanyang trabaho lulan ang minamanehong Mitsubishi Montero Sport na may plakang CAE 789.


Habang ang suspek at drayber naman ng puting Isuzu elf Aluminum van na may plakang REJ 378 na si Joel Reyes, 41 anyos, residente ng Bautista, San Agustin, Isabela ay patungo naman sa City of Ilagan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na habang magkasalungat na binabaybay ng dalawang sasakyan ang lansangan ay biglang nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang suspek at habang nasa kabilang linya ay sumalpok ito sa kasalubong na Montero.

Agad naman itong nirespondehan ng mga otoridad habang patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.

Facebook Comments

From Advertisers