PANGASINENSE NA TUBONG STA BARBARA, NAGPAKITANG GILAS SA PAGKOPYA NG BOSES NG IBA

Pinahanga at ginulat ni Salvador Calimlim, tubong Sta Barbara, Pangasinan ang mga manunuod nang sumabak sa national noon time show taglay ang kakaibang boses nito.

Pumalo na sa 15 million views ang plakadong pag-kopya ng boses ni Salvador kay Joni Lee at Conway Twitty nang awitin nito ang Don’t Cry Joni.

Sa panayam ng IFM Dagupan, labis ang kanyang tuwa sa natatanggap na papuri.

Hindi rin nito makakalimutan ang pagsabak niya sa parehong entablado bilang John Denver sing-alike contest, 41 years ago at tinanghal na champion sa Grand final kung saan mismong si John Denver din ang judge at nag award sa kanya.

Si Salvador ay one-man band kung ituring na performer dahil kumakanta at tumutugtog ng gitara o piano sa mga kasal, birthday o kahit anong okasyon kaya bago pa man lumabas sa tv ay marami na itong tagahangang kababayan dahil sa angking nitong talento. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments