Sugatan ang isang 61 anyos na ginang sa Capulaan sa bayan Villasis matapos barilin ng kapitbahay nito sa mismong tapat ng bahay nito.
Ayon sa ulat ng pulisya, pasado alas diyes ng gabi nang pauwi na ang biktima kasama ang kapatid nito nang mapadaan sila sa harap ng bahay ng 59 anyos na lalaking suspek.
Diumano, bigla na lamang pinapatukan ng suspek ang biktima kung saan nagtamo ito ng sugat sa ibabang bahagi ng katawan ng biktima
Dahil dito, paspasang tumakas ang suspek.
Samantala, tinitignang anggulo naman ng pulisya ang umano’y dating alitan ng dalawa. Inihahanda na ang kasong Frustrated Murder na isasampa sa suspek.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtugis ng awtoridad para sa ikadarakip ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments