Pangatlo sa mga sundalong Capizeño na namatay sa labanan sa Marawi City, naiuwi na sa kanyang pamilya

180

Panay, Capiz – Naiuwi na sa kanyang pamilya sa Capiz ang bangkay ng namatay na sundalo sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng pamahalaan at Maute Terror Group sa Mindanao.

Labis na kalungkutan at panghihinayang ang naramdaman ng pamilya ni PFC Johnro Vista, 21 anyos, ng Barangay Cabugao Oeste, Panay, Capiz sa maaga nitong pagpanaw.

Napatay ng sniper mula sa Maute group ang magiting na sundalo sa gitna ng labanan sa Marawi City, Lanao Del Sur noong Hunyo 29, 2017.


Si PFC Johnro Vista ay pangatlo sa mga sundalong Capizeño na namatay sa pagtatanggol sa bayan.

Unang namatay sa laban si SGT. Throlen Lago ng Mambusao, sinundan ito ni PFC John Alvin Carillo na kasalukuyang nakaburol sa kanilang bahay sa bayan ng Sigma, Capiz.

Facebook Comments