NBI, papasok na din sa imbestigasyon sa masaker sa San Jose Del Monte, Bulacan

175

Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang karumal dumal na pagpatay sa mag-anak ni dexter carlos sa kanilang tahanan noong June 27 2017 sa San Josel Del Monte Bulacan.

Ayon kay Aguirre, inaatasan nya si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon at case build up sa nasabing masaker.

Nabatid na hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas ang galit sa suspek sa pagpatay sa limang miyembro ng pamilya Carlos, kabilang ang tatlong bata.


Matatandaang inamin ng suspek na si Carmelino Ibañez na naka-droga siya kaya nagawa ang krimen.

Facebook Comments