Pangha-harass umano sa Finance Officer ng Rebeldeng Grupo na si Echanis, Itinanggi ng PRO2

Cauayan City, Isabela- Nilinaw ng pamunuan ng Police Regional Office 2 (PRO2) na nakabatay pa rin sa saligang batas ang hakbang na ginagawa ng mga tauhan ng pulisya makaraang maaresto si Amanda Echanis, anak namayapang dating AnakPawis Partylist Rep. Ka Randy Echanis.

Bunsod ito ng sinasabing panghaharass kay Echanis ng isang opisyal ng pulisya at sinasabing nalabag umano ang miranda rights kahit wala pang tumatayong abogado ito.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PLTCol. Andree Abella, tagapagsalita ng PRO2, sumusunod sila sa batas at iginagalang ang karapatan ni Echanis.


Aniya, sinunod din nila ang hiling nito na hangga’t maaari ay hindi muna sila sumailalim sa medical check-up lalo na ang kanyang anak habang wala pang permiso mula sa kanyang abogado.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Abella na hindi nakakulong sa karaniwang kulungan si Echanis kundi sa isang Ladies Dorm na kumpleto sa kagamitan para na rin sa matutukan ang maayos na sitwasyon ng kanyang anak.

Tiniyak naman ng ibang ahensyang nangangalaga sa kalusugan ng kanyang anak ang mabakunahan para mas masigurong ligtas ang bata.

Si Echanis ang itinuturing na finance officer ng West front ng Danilo Ben Command na kumikilos sa Cagayan.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng CIDG ang suspek habang hinihintay ang hakbang mula sa korte na ngayon ay nai-raffle na ang kaso laban dito.

Nahaharap si Echanis sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession odf Firearms at paglabag sa Explosive.

Facebook Comments