Inanunsyo ng Quezon City na suspendido ang afternoon classes sa lahat ng antas ngayong araw, September 2, 2022.
Kaninang ala-1:15 ng hapon ay naglabas ng Yellow Heavy Rainfall Warning ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Metro Manila.
Bunsod na rin ito ng Habagat na pinag-ibayo ng Bagyong Henry.
Sa ilalim ng Yellow Heavy Rainfall Warning, asahan ang mahina hanggang katamtamang lakas hanggang malalakas na pag-ulan sa susunod na linggo.
Dahil dito, para sa kaligtasan ng publiko, idineklara ni Dr. Jenilyn Rose Corpuz, School Division Superintendent, Division of City Schools ang suspension ng lahat ng klase sa lahal ng lebel.
Inanunsyo na rin ng Caloocan Local Government Unit (LGU) na kanselado na ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Caloocan.